Filed under: journal, personal
Comments (0)
Ano bang nagyayari dito sa bahay :cry: ? kami-kami na ngalang magkakasama nagaaway-away pa sila? bakit ba ganun? ibang tao ba ako para hindi nila sabihin ang problema sakin?
Kanina, galing ako ng school napansin ko na tahimik si mommy at nasa sulok lang sya, pabiro ko pang sinabi at tinanong kung bakit sya andun, at nagiisa? bigla nalang akong sinenyasan ni Ate Rose (kasambahay) na parang pinapatahimik nya ako. Nilapitan ko sya, tinanong ko kung ano ang nangyari, naninibago kasi ako, pagpasok ko palang sa pintuan parang may nangyaring masama. After kong magbihis lumabas ako ng bahay at kinausap yung tagalaba samin si Aling Vicky, tinanong ko sya kung ano ba ang nangyari at bakit ang tahimik nilang lahat, at parang ayaw nilang sabihin sakin ang problema, naiinis na ako sakanila. Si Ate Vicky pa ang nagsabi sakin, asa labas pa sya samantalang si Ate Rose na nasa loob ng bahay hindi sakin ma kwento ang nagyayari. Nagaway pala si mommy at daddy. Marami daw nabasag si mommy na bote, kaya pala may sugat si daddy sa paa dahil siguro sa bubog. Tinatanong ko si daddy kung ano ang nangyari si paa nya pero hindi nya ako sinasagot, si mama ang dami kong tanong sakanya hindi din nya ako sinasagot, naiinis ako sakanila, ibang tao ba ako?, ang nakakainis pa dun, sa ibang tao ko pa nalaman na nagaway sila, ayaw nila sabihin sakin ang problema. Hindi ko alam kung naiiyak ako o nagagalit, nahimatay pa daw si mommy, for 16 yrs. ngayon ko lang naranasan na nagaway pala sila, dati wala naman silang nakukuwento sakin na nagaaway sila, ngayon lang talaga, kaya medyo natakot talaga ako, ang sabi pa ni mommy gusto na daw nyang mamatay, hindi ko alam kung ano na gagawin ko, baka pagtulog ko kung anu nalang ang gawin ni mommy sa sarili nya, si daddy, hindi ko din makausap.
Ngayon, hindi ko muna sila kakausapin, hindi din naman nila sinasagot mga tanong ko sakanila. Hanggang ngayon, umiiyak pa din si mommy sa kwarto, hindi ko alam kung ano ang ginagawa nya dun, sinilip ko sya nakatulala, at parang nagsasalita mag isa :cry: . Natatakot talaga ako, parang ayaw kong pumasok bukas at gusto ko lang silang bantayan. Tinatawagan ko yung ate ko pero walang nasagot sa phone nya
. Oh God!!
Dapat ko bang i-share pati ang bagay na ito sainyo.
Pasensya na kayo ah, kailangan ko talagang gawin.
Jun 18, 2008
Wednesday, 3:15 pm

. 4th year college student taking up BSN at SJDEFI. Certified
stars, cute stuffs, and everything pink, red and purple. Blogging since 2004. FL 


