Filed under: heartstring, journal, personal, school
Comments (0)
Maraming salamat sa mga comments and advices nyo sakin about sa last entry ko. Naiyak iyak pa ako ng binabasa ko lahat nang yun, ang laking tulong talaga, ngayon naiintindihan ko na ang lahat, ok na ako ngayon, wag na kayong magalala sakin :happy: . Salamat din sa mga tumulong na magdasal ah, ok na ngayon sila mommy and daddy, naguusap na sila, at parang tulad na ng dati. Oks na si madir, malakas at masaya na ulit sya, eto nga’t nagaaway kami dahil ayaw nya akong payagan sumama sa Star City bukas, lol. Salamat talaga, as in. Ang saya ko na yehey!!
Kararating from school, sa wakas bakasyon na. Meron kasing mass atska pa-party para sa mga bata galing sa Adopted Baranggay namin. Ang gugulo nila, ang iingay pa, takbuhan ng takbuhan kaya sumakit ang ulo ko. Pero ayus lang atleast napasaya namin sila. Naka recieve din naman sila ng gift galing samin, sana magustuhan nila yun :beh: .
Hindi ko pala na kwento na nagkaron kami ng exchange gift ng mga classmates ko, diba? parang highschool kami, nakakuha pala ng name ko yung crush ko, :love: . Ang ganda ng gift nya sakin cologne na merong pouch na pink, parang ayaw kong gamitin eh, sayang.
Sige, matutulog muna ako..
Salamat sa inyo ah, i love you all :love:
Jun 18, 2008
Wednesday, 3:15 pm

. 4th year college student taking up BSN at SJDEFI. Certified
stars, cute stuffs, and everything pink, red and purple. Blogging since 2004. FL 


