Filed under: personal, school
Comments (0)
Watta title?!
Bago ko gawin ang Summary and Conclusion na na-assign sakin ng aking mga ka group mates, mag boblog muna ako
Happy 20th Birthday Ate Jays. Wow, ako na ba ang susunod na birthday celebrant? Yehey
Nakakainis ang araw ko ngayon, umaga palang sira na talaga ang araw ko. Nahirapan kasi akong sumakay kaninang umaga, ang tagal kong naghintay ng masasakyang Jeep, laging puno, ewan ko ba?, hindi naman ganito dati. Sympre asa pa ako, nakadating ako sa 7:00 class ko ng 7:20 so ABSENT na ako nun, eh PE pa namin, so talagang nagmadali na akong magbihis, ang nakakainis pa, nahulog yung ID ko sa inidoro, yuck talaga , nakakainis diba? sa sobrang nagmamadali ko eh nakasawsaw na pala yung ID ko dun. Buti kung sa bahay lang yung inidorong yun, eh kaso iba-iba ang gumagamit nun diba? kaya nakakadiri talaga hahaha. Tapos, bagsak pa ako kanina sa quiz namin sa Logic, pero ok lang yun, hindi ko naman first time eh . Babawi nalang ulit ako sa quiz namin bukas, meron ulit kaming quiz dun, sana makapasa na ako dito .
OK sige, till next blog. Ahehe, anong oras na’t hindi ko pa din nagagawa itong pinapagawa sakin. Love You All
Thank you nga pala sa lahat ng bloggers na patuloy na dumadalaw sa aking blog. Maraming salamat sa inyo, pinapasaya nyo ako!!
Jun 18, 2008
Wednesday, 3:15 pm

. 4th year college student taking up BSN at SJDEFI. Certified
stars, cute stuffs, and everything pink, red and purple. Blogging since 2004. FL 


