Filed under: journal, movies, school
Comments (0)
Finally, nakuha ko na yung mga grades ko. Masaya talaga ako kasi walang akong line of 7, pero posible na ma-out ako sa school ko ngayon, kasi irarank pa pala nila kami, so kapag mababa ang average na nakuha ko, matatanggal talaga ako, ang lupit nila grabe
kanina ko lang kasi nalaman yun kaya medyo nalulungkot ako kapag iniisip ko. 3 araw na akong paalis-alis, laging school ang pinupuntahan ko, napapagod na ako
Bukas, enrollment na namin, so sana last na punta ko na yun bago pa mag simula ang summer class namin
.
Kakauwi ko lang ngayon, kapapasok ko lang sa pinto, sinermonan na naman ako ni mommy
. Hindi kasi ako nakapagpaalam sakanya, anong oras na nung na text ko syang manonood lang kami ng DVD sa bahay ng friend ko, at sinabi kong sa Parañaque lang, pero sa totoo sa Molino,Bacoor yun (sama ko talaga!
) papagalitan kasi talaga ako ni mommy, atska hindi na ulit ito mauulit dahil lilipat na ng ibang school yung isa kong kaibigan, kaya hindi na ako tumanggi pa!
Naka 2 movie kami, una naming pinanood yung Just Friends. Ayos lang yung movie, nakakaaliw panoorin dahil comedy, happy ending din naman, kaso hindi ko talaga masyadong nagustuhan. After nun, yung Just Like Heaven naman, sabi kasi ni Irish, maganda daw, so niyaya ko din yung mga kaibigan ko na panoorin yun. Medyo naiyak ako nung bandang huli na, actually hindi ko natapos yung movie, kasi putol eh, sayang nga kasi ending na nga lang eh, putol pa
, mahirap talaga kapag pirated eh. Pero maganda nga, kaya sa mga hindi pa nakakanood, panoorin nyo na! basta, magugustuhan nyo yung story.
Ohh sya sige na, mahaba na itong post ko ngayon ah. Eat na ako ng dinner namin.
Mwuahhh
Jun 18, 2008
Wednesday, 3:15 pm

. 4th year college student taking up BSN at SJDEFI. Certified
stars, cute stuffs, and everything pink, red and purple. Blogging since 2004. FL 


