Filed under: journal, personal
Comments (0)
May pasok na naman bukas, nakakainis kasi magdamag na naman ako. Regular class na, kaya asahan nyong minsan nalang ako makakadalaw sainyo, pero kapagnagka time naman, dadalaw naman ako 
Happy Father’s Day nga pala sa mga daddy nyo. After naming magsimba sympre treat namin si papa atska si Kuya Howard (asawa ni ate). Dun kami kumain sa Ongpin, Sta Cruz sa Panciteria Lido. Sympre memorable tong place na to kila mama atska sa papa ko, dahil doon sila nagtrabaho at nakakilala, naks
Kaibigan nila yung may ari nyang restaurant na yan, kaya dyan kami lagi nakain tuwing pagkatapos namin magsimba sa Sta. Cruz. Mamayang gabi aalis kami, punta sa Clowns, Araneta, sana makasama talaga ako kasi gusto ko talagang makapanood sa comedy bar, may pasok kasi ako kinabukasan kaya baka mapuyat ako, baka kasi hindi ako payagan ni mama pero bahala na, sasama talaga ako, kasi ginawa ko na lahat ng assignments ko atska nagbasa na din ako, para wala na akong aalahanin pa
atska para mag enjoy.
Oh sya sige, kain na muna ako ng dinner! mwuahh,
Jun 18, 2008
Wednesday, 3:15 pm

. 4th year college student taking up BSN at SJDEFI. Certified
stars, cute stuffs, and everything pink, red and purple. Blogging since 2004. FL 


