Filed under: journal, omg
Comments (0)
Umalis na naman ako kahapon, sobra na to walang araw ata na hindi ako nag stay sa bahay ah. Inimbita kasi ako ng kaibigan ko nung highshool sa 18th birthday nya. First time ko ata tong umatend sa 18th birthday eh, pero simply lang naman yung birthday nya, wala nang cotillion pa. Masaya naman ang birthday, ayun at sobrang daldal namin , kung anu-ano na lang ang pinagkukwentuhan namin, andun kasi yung mga iba kong kaibigan nung highschool, kaya ang daming kwento. Mga chismis at nakakagulat na balita talaga, mga schoolmates na napariwara ang buhay . Pero enjoy naman talaga, sayang hindi ko nadala yung phone ko para may mga picture. Parang gusto ko na tuloy mag 18, para meron na ding party noh? kaso tagal pa
Ang sarap matulog ngayon, hindi masyadong mainit dahil kahapon, ulan ng ulan dito. Malamig nga kagabi, kaya naman mahimbing ang tulog ko. Dapat nga aalis ako kahapon, kaso hindi na natuloy, ang lakas kasi ng ulan eh, sayang naman kaya baka bukas nalang o sa sunday.
O sige wala na akong makwento..
Gosh, may pasok na kami sa Monday, ano bayan?! ang corny talaga ng school namin!
Jun 18, 2008
Wednesday, 3:15 pm

. 4th year college student taking up BSN at SJDEFI. Certified
stars, cute stuffs, and everything pink, red and purple. Blogging since 2004. FL 


