Filed under: journal, personal, school
Comments (0)
Bukas enrollment na namin, excited ako kasi magkikita na ulit kami ng mga kaibigan ko . Pinaplano namin na pumunta sa SM Mall of Asia tutal malapit lang yung school namin dun, sana hindi masyadong maraming tao hindi tulad ng last na punta namin dun, hay grabe nakakahilo talaga dahil siksikan, sabi ko nga hindi na ako babalik dun, pero balita ko maganda daw ang sinehan dun .
Bukas aalis din si mama atska si papa. Sasamahan ni mama si papa sa hospital para magpacheck-up hindi ko sila masasamahan, kelangan na naman ni papa magpa-injection ng steriods sa mata nya, kala namin pwede na sya ulit magsalamin pero mukhang hindi na ata talaga, parang palabo na ng palabo ang mga mata nya, hindi na talaga sya makakakita pa, lagi nalang nakaupo ang papa ko kelangan mo pang akayin papuntang CR, atska ang dami na nyang nararamdaman, masakit daw ang tyan nya, nagtatae sya, basta ang dami nyang sakit ngayon. Si papa pala 63 na, ang tanda na nya ano? lagi na din mainit ang ulo nya, hindi na din sya makatulog kasi ang dami nyang iniisip, masama yun para sakanya kaya lalong tumataas yung pressure nya eh. Nalulungkot na naman ako .
Oh sya sige, byee..
Jun 18, 2008
Wednesday, 3:15 pm

. 4th year college student taking up BSN at SJDEFI. Certified
stars, cute stuffs, and everything pink, red and purple. Blogging since 2004. FL 


