Filed under: journal, school
Comments (0)
Thank you nga pala sa laging nadalaw dito sa site ko. Sa mga nagbabasa at umiintindi, salamat. Kapag nag expire na pala tong domain ko, hindi ko na irerenew kasi mag quit na ako sa blogging. Mahirap kasi ng meron ka pang ibang iniintindi kesa sa studies mo. Alam ko naman na naiitindihan nyo ako eh . Alam ko din na hindi naman mahirap ang mag blog para makaapekto sa pagaaral mo, hindi din naman required na mag blog ka araw-araw. Meron pa kasi akong ibang dahilan kaya mag quit na muna ako . Enough na nga, hehe
OK naman ang 1st week ko sa school. Masaya naman kasi na meet ko na yung mga magiging prof. atska CI (Clinical Intructor) namin. Badtrip kahapon ang CI namin Pano ba naman nagalit sya samin, kaya pinauwi nya nalang kami ng pagkaaga-aga. Wala kasing nasagot sa tanong nya, eh hindi naman kasi namin alam ang sagot, sana sinabi nya nalang at inexplain samin. Masaklap pa nun may klase ako sa hapon, alangan naman umuwi pa ako sa bahay namin. Kaya nag stay ako sa school ng 4 hours. Hindi ko na alam kung san ako pupunta eh, palipat-lipat ako ng pwesto. Minsan sa canteen, sa library, sa lobby. Hmpf.
Kasalukuyang namamaga pala ang pisngi ko ngayon. Nagpabunot na kasi ako kahapon eh. Nakakatawa pa sa hospital kahapon, medyo asar na siguro yung mga doctor sakin, pano ba naman kinakabahan ako at nanginginig, atska 2 pang doctor ang nasa tabi ko, feeling ko ooperahan nila ako eh, eh magpapabunot lang naman ako. Hindi naman pala masakit ang magpabunot, yun lang ang pangit kasi tinahi pala nila kaya siguro namamaga. So pano na yun kung tatanggalin na yung sinulid? ouch! mukhang masakit ata yun .
Jun 18, 2008
Wednesday, 3:15 pm

. 4th year college student taking up BSN at SJDEFI. Certified
stars, cute stuffs, and everything pink, red and purple. Blogging since 2004. FL 


