Filed under: journal, school
Comments (0)
June 13th 2006, Tuesday
Namili ako kahapon ng gamit ko para sa school, hanggang ngayon ba naman eh ang dami pa ding namimili ng school supplies
:88: , pero ayus lang, madami lang talagang tao, sumakit tuloy ang ulo ko. Kasama ko ang ate ko, lagi naman kaming magkasama nun kapag namimili, swerte ko din kasi nakakalibre ako. Pagkatapos kong mamili ng gamit, treat nya ako ng sine. Pinanood pala namin yun
Cars. Maganda tong movie na ito kaya panoorin nyo, the best talaga ang Pixar padating sa mga animated movies
:110: . Nakakatuwa, naasar lang ako sa katabi kong lalaki, ang ingay kasi nya, ang lakas pa nyang tumawa, at ang sarap tuloy nyang balibagin
:123: .Hay, grabe pagod ako ngayong araw na to. Sobrang antok, kasi ang aga ko naman gumising kanina, 7 kasi ang pasok ko
:95: :95: nasanay kasi akong gumising ng tanghali nitong bakasyon. Maganda naman yung naging sched. ko kasi wala pa din akong pasok every Friday, pero whole day namin kami lagi
:93: . Nakakaasar lang kasi pinaghiwa-hiwalay kami, so new classmates na naman, medyo tahimik pa ako sympre
:126:
Nakakaasar kasi meron kaming Swimming Lesson, at required ang mag swim suit, sosyal naman nila, tao lang ako, nahihiya din
:117: , basta ayoko talaga mag swim suit na yan, nakakahiya sa mga classmate kong lalaki. Para akong balyena
:95: :95: . Bahala sila.