Filed under: duty, journal, school
Comments (5)
Kagagaling ko lang sa duty, late na kami pinalabas ng CI namin. Grabe, toxic ang mga patients
Sa Surgical ward kasi ako, meaning mga patient dun ay mga ooperahan palang at mga katatapos lang maoperahan. Actually ok naman talaga, kaya lang first time naming makahawak ng patients that undergo surgical procedures, para kasing mainitin ang ulo nila, parang onting galaw mo lang aray na, pero naiintindihan naman namin yun, hinahayaan nalang namin sila, kahit sigaw-sigawan kami. Last duty ko kasi panay Pedia kami, magsasawa ka sa mga bata, pero ito naman more on mga matatanda sila at panay may Diabetes pa.
Nakakatakot talaga ang sakit na Diabetes, kasi kalimitan sa mga patient namin sa Surgical Ward puputulan na sila ng paa, dahil ba yung paa nila parang nabubulok na, as in yung balat natatanggal na, hay! then kulay black na din, buti nalang hindi pa kami pinaglilinis ng ganun
Oh sya, dinadalaw na ako ng antok ko. Gigising pa ako dahil gagawa pa ng report para bukas 
Jun 18, 2008
Wednesday, 3:15 pm

. 4th year college student taking up BSN at SJDEFI. Certified
stars, cute stuffs, and everything pink, red and purple. Blogging since 2004. FL 


