Filed under: duty, journal, wtf
Comments (8)
Sa wakas, natapos na din ang unang araw ko sa San Ramon :???: Sinasabi ko na nga ba, umagang-umaga magkaka jackpot kami kay Mam Belesario. Grabe, hindi naman toxic sa ward kasi iilan lang patient namin, pero sobrang natotoxic kami sa Clinical Instructor namin. Hindi ko maintindihan bakit may mga ganung tao pa sa mundo, sorry for my word :hmm: pero sumosobra na sya talaga. Onting bagay lang, pinupuna na nya. Makita ka lang nya o makasalubong sasabihin nya na nagiinarte ka, o nagpapacute, o kung ano lang ang gusto nyang sabihin, ang masakit pa dun nasabihan akong “Tanga”. Ang sakit sa damdamin no? pero ok lang ganun naman sya talaga, masakit magsalita
Naaawa ako sa ka group ko, kasi hindi na sya tinantanan ni Mam Belesario, hindi na sya binigyan ng patient, hindi binigyan ng break at pinalabas pa. Well, ano ang rason ni Mam Belesario, unungkat lang nya ang nakaraan, mga bali-balita na hindi totoo, mga pinagsasabi ng mga ibang Clinical Instructor sakanya. Kawawa talaga kasi kahit na anong explanation namin sakanya, hindi sya naniniwala, basta kung ano ang sa pagkakaalam nya, yun na yon at hindi na yun mababago, tsk :cry:
Jun 18, 2008
Wednesday, 3:15 pm

. 4th year college student taking up BSN at SJDEFI. Certified
stars, cute stuffs, and everything pink, red and purple. Blogging since 2004. FL 


