Filed under: duty, journal, noteworthy, wtf
Comments (4)
Sobrang nakakainis yung nangyari sakin during my 1st day sa O.R sobrang nakakahiya ako. “Don’t be such a cry baby Ms. Vargas” ang hindi ko malilimutang sinabi sakin ng CI ko. Natakot lang ako sa CI ko kaya kinabahan ako bigla nung tanungin nya ako at hindi ko sya masagot, dahil dun, umiyak ako! Oo, nakakahiya talaga, sobrang iyak ko nun, ilang beses nya akong pinagalitan, sobraa at dahil lang wala akong masagot sa tanong nya.
Pakiramdam ko ang tanga ko talaga, inutil. Pero sabi nga nya, wala naman akong reason para umiyak kasi wala naman syang sinabing nakakainsulto para sakin. Hindi lang kasi ako sanay ng merong ibang nagagalit sakin, lalo na hindi ko naman kaano-ano, ang sakit sa dibdib, hindi ko matanggap pero ok na din ang nangyari atleast natuto ako. Lalo pa syang naimbyerna sakin nung nag scrub ako ng hindi nagpapaalam. Kasalanan ko naman yun kasi hindi ko sya hinanap, pinagawa pa nya ako ng IR, pagkatapos non, parang walang katapusang sermon ang inabot ko.
sympre umiyak na naman ako. Nakakahiya. Nangyari na ang nangyari, kainis lang yung mga classmate ko mga chismosa, bwusit 
Jun 18, 2008
Wednesday, 3:15 pm

. 4th year college student taking up BSN at SJDEFI. Certified
stars, cute stuffs, and everything pink, red and purple. Blogging since 2004. FL 


