Filed under: journal, noteworthy, personal, wtf
Comments (8)
Yahoo! vacation ko na. Ngayon palang nag start ang vacation ko. Nakakainis nga, kasi itong si mama, ayaw akong isama sa province keso mahal daw ang pamasahe, ano naman daw ang gagawin ko dun?, walang magbabantay sa bahay, ganon, ang daming reason, kaya hinyaan ko na. Edi wag diba? wag nang pilitin, dito nalang ako sa bahay. Ang problema ko ngayon, sinong magluluto? hindi pa naman ako marunong magluto, panay prito lang ang kaya kong gawin minsan nga nasusunog pa
Bahala na talaga kung anong lulutuin ko at kakainin ko sa loob ng isang linggo. Haha.
Kanina super disappointed ako. Nagpakabit kasi ako ng Smart Bro Wireless Internet. Excited talaga ako super, kaya lang walang makuhang signal, so tapos. Sabi nga nung mga nagkakabit samin, usually 30 mins. - 1 hr. lang sila dapat then setup na yung internet, kaya lang 3 hrs. na wala pa din silang makuhang signal, so naka 30ft na yung antenna, wala pa din, kaya hindi na nila pinagpatuloy yung pagsesetup. Nalulungkot ako talaga, akala ko tuloy tuloy na yung kaligayahan ko, kasi nga vacation na tapos mabilis na ulit ang internet connection ko dito sa bahay, tapos biglang ganun, nakakaiyak talaga. 
Jun 18, 2008
Wednesday, 3:15 pm

. 4th year college student taking up BSN at SJDEFI. Certified
stars, cute stuffs, and everything pink, red and purple. Blogging since 2004. FL 


