Filed under: general, omg
Sobrang napagod ata ako ngayong araw na ito. Nilinis ko kasi ang kwarto ko, ngayon ko lang ulit yun nilinisan, nagulat nga sakin si mama ano daw ba ang nakain ko at biglang nilinis ko ang kwarto ko. Ang daming alikabok, kaya naman todo linis talaga ako, nag start akong maglinis ng 9:00 AM at natapos ako ng 3:00 PM. Inayos ko na din ang cabinet ko, tinanggal ko na din yung mga damit kong hindi na ginagamit at ibibigay daw ni mama yun sa probinsya, pinalitan ko na din ang bed sheet ko at tinapon ko na din yung mga basura sa kwarto ko, ang daming papel at kung ano-ano pa, sayang nga at hindi ko na picturan yung kwarto ko kung ano ba ang itsura nya nang hindi ko pa nalilinisan, dahil magugulat talaga kayo kung kwarto ba yun ng babae o kwarto nga ba? para kasi syang tambakan
Jun 18, 2008
Wednesday, 3:15 pm

. 4th year college student taking up BSN at SJDEFI. Certified
stars, cute stuffs, and everything pink, red and purple. Blogging since 2004. FL 


